SINIMULAN na kahapon ng Philippine Airlines (PAL) ang kanilang Antique-Clark flights.
Ayon sa PAL, dalawang beses sa isang linggo magkakaroon ng flight gamit ang kanilang bagong 86-seater Bombardier Next Generation Q400 aircraft.
Ang flight PR2205 ay aalis sa Clark kada araw ng Linggo at Martes sa alas-6 ng umaga at darating sa Evelio B. Javier airport sa San Jose de Buenavista sa Antique sa alas-7:20 ng umaga.
Samantala, ang flight PR2206 ay aalis naman sa Antique sa alas-7:40 ng umaga at darating sa Clark ng alas-9 ng umaga.
Pinangunahan nina Senadora Loren Legarda, Transportation Secretary Arthur Tugade, Environment Secretary Roy Cimatu, Civil Aviation Authority of the Philippines Director General Captain Jim Sydiongco, Transport Undersecretary for Aviation and Airports Captain Manuel Antonio Tamayo, Antique Governor Rhodora Cadiao at Antique mayors at councilors ang inagurasyon ng PAL flight sa Evelio B. Javier airport.
“With PAL flights coming to Antique, more Antiqueños would be able to fly home more often and experience the efficiency of air travel. We witness another milestone for Philippine aviation,” wika ni Sydiongco.
“This new route empowers Antiqueños to fly straight to the heart of Central Luzon,” sabu naman ni PAL vice president for corporate communications Josen Perez de Tagle. “More convenient air access helps keep the economy humming in Antique.”