(Apela ng DOE sa Indonesia) COAL EXPORT BAN ALISIN

NANAWAGAN ang Department of Energy (DOE) sa Indonesia na alisin na ang ipinatupad nitong ban sa coal exports.

Nagbabala ang  DOE na ang polisiya ay magkakaroon ng masamang epekto sa coal-reliant country.

Itinigil ng Indonesia, ang pinakamalaking exporter ng coal na ginagamit sa paglikha ng koryente, ngayong buwan ang fossil fuel shipments para mapangalagaan ang domestic power supply nito.

Sa datos, ang Pilipinas ay umaangkat ng  70 percent ng coal supply nito at halos 97 percent nito ay nagmumula sa Indonesia. Karamihan sa coal ay ginagamit para sa power generation.

“Jakarta’s ban on January coal exports would be ‘detrimental’ to countries like the Philippines that rely on coal-fired power, “ pahayag ni Energy Secretary Alfonso Cusi sa isang liham sa kanyang Indonesian counterpart noong nakaraang Huwebes.

“Power generated from coal comprises about 60 percent of the country’s power demand,” sabi pa ni Cusi.

Ayon pa sa DOE, nakatakdang iapela ni Foreign Secretary Teodoro Locsin ang desisyon ng Indonesia via Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Ang Indonesia ay nagpatupad ng export ban makaraang mabigo ang coal miners na tugunan ang kanilang obligasyon na maglaan ng  25 percent ng output para sa domestic market.