(Aprub na kay Digong) MASTER PLAN VS WATER CRISIS

Water Crisis

APRUB na kay  ­Pangulong Rodrigo Roa ­Duterte ang draft “master plan” na magbibigay ng pinagsama-samang approach sa  paglutas sa krisis sa tubig na nararanasan ngayon ng publiko.

Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles  na ang planong ito ay nakapaloob sa executive order na nangangaila­ngan ng masusing pag-aaral para sa concession agreements sa ibang water distributors.

“This is the fastest way that we could resolve all our water resource issue and concerns,” pahayag ni Nograles.

Matatandaang inatasan ni Pangulong Duterte ang lahat ng mga ahensiya ng gobyerno na  muling pag-aralan lahat ng mga kontrata sa mga pribadong korporas­yon at ibang bansa.

Tinutugunan din sa master plan ang mga problema sa sewerage at sanitation, irigasyon, pagbaha, watershed management, pondo at pagbuo ng mga panuntunan.

Sinabi ni Nograles na dumadaan na lamang aniya sa fine tuning ang EO bago lagdaan ng ­Pangulo.

Comments are closed.