(Aprub na sa RTWPB) P1K WAGE HIKE SA KASAMBAHAYS SA METRO

MAY 200,000 household workers o kasambahays sa Metro Manilaang tatanggap ng umento sa kanilangbuwanang suweldo.

Ayon kay Director Rolly Francia ng Information and Publication Service ng Department of Labor and Employment (DOLE), inaprubahan na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang P1,000 dagdag-sahod sa mga kasambahay sa Metro Manila kaya magiging P6,000 na ang kanilang buwanang sahod.

Sa sandaling pagtibayin ng National Wages and Productivity Commission (NWPC), sinabi ni Francia na magiging epektibo ang wage hike 15 araw makaraang malathala sa isang national newspaper.

Kasalukuyan pang nagsasagawa ng public hearings ang wage boards sa Calabarzon at SOCCSKSARGEN para sa dagdag-sahod ng mga kasambahay.

Ang lahat ng iba pang rehiyon sa bansa, maliban sa BARMM, ay tatanggap ng wake hike ngayong buwan.