INAPRUBAHAN na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas sa P15.15 bilyong pondo para sa konstruksiyon ng halos 5,000 classrooms sa buong bansa.
Sa isang statement, sinabi ng DBM na inaprubahan ni Budget Secretary Amenah Pangandaman nitong May 15 ang pagpapalabas sa pondo na nagkakahalaga ng P15,151,709,646.00.
Ang halaga ay gagamitin para sa konstruksiyon ng 4,912 classrooms sa 1,194 lugar sa buong bansa.
“The timely release of these funds, a joint request of the Department of Public Works and Highway (DPWH) and the Department of Education (DepEd), demonstrates that the PBBM administration does not hold back on investing in education. We need to build and repair classrooms to keep up with increasing enrollment in our public schools,” sabi ni Pangandaman.
Ang kakulangan sa classrooms ay kabilang sa pinakamahalagang education issue na kailangang tugunan ng pamahalaan.
“Our school children need to be in an environment conducive to learning and fun… Sila ang ating best investment,” ani Pangandaman.
Ayon sa DBM, ang kabuuang halaga ng konstruksiyon ng classrooms ay nasa P15,020,282,176.00.
Kinabibilangan ito ng konstruksiyon. replacement at completion ng kindergarten, elementary at secondary school buildings at technical vocational laboratories; installation o replacement ng disability access facilities; konstruksiyon ng water at sanitation facilities; at site improvement.
Samantala, P131,427,470.00 ang gagamitin para sa Engineering and Administrative Overhead (EAO) expenses.