(Aprub sa IATF) P5-B DAGDAG BUDGET SA WORKERS

pondo

INAPRUBAHAN  ng inter-agency body na nangangasiwa sa COVID-19 response efforts ng pamahalaan ang dagdag na P5-billion na pondo para sa tulong pinansiyal sa mga manggagawang nawalan ng trabaho dahil sa Luzon-wide enhanced community quarantine.

Ang pahayag ay ginawa ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, spokesperson ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerg-ing Infectious Diseases (IATF-EID), sa isang virtual press conference kahapon.

Ang karagdagang pondo ay gagamitin para sa COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP), sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD)-Barangay ko, Bahay Ko (BKBK) program at sa  Abot Kamay ang Pagtulong (AKAP) sa OFWs program ng Department of Labor and Employment (DOLE).

“Provided, that the beneficiaries of the aforementioned shall be separate and distinct from those already covered by social amelioration programs by other agencies of the national government,” ani Nograles.

Nauna nang inanunsiyo ng pamahalaan ang planong tulungan ang mahigit sa 350,000 formal at  informal sector workers sa kalagitnaan ng buwan gamit ang mahigit sa P1.5 billion na assistance funds sa ilalim ng CA.

Comments are closed.