(Aprubado ng DTI) ‘SHRINKFLATION’ SA KAPE

IDINEPENSA ng Department of Trade and Industry (DTI)  ang ‘shrinkflation’ sa kape sa inilabas na panibagong suggested retail price (SRP).

Ang shrinkflation ay ang pagbabawas ng timbang  at sangkap sa panindang produkto upang  mapanatili ang presyo nito.

Ayon kay DTI Consumer Protection Group Assistant Secretary Amanda Nograles, diskarte ng mga manufacturer ang pagbabawas sa timbang at sangkap ng kanilang produkto upang mapanatili ang kanilang presyo.

Sa inilabas na SRP ng DTI, nakitaan ng shrinkflation ang kape.

Gayunman, paglilinaw ni Nograles na aprubado nila ito.

Magugunitang sa panayam sa isang TV program sa DTI official, nanawagan ito sa mga manufacturer na ipaalam sa kanila ang gagawing shrinkflation, gayundin sa consumers sa pamamagitan ng ilalagay na label.

“Kasama po iyan sa ini-evaluate namin ng DTI kapag nag-file sila na babawasan ang grammage kapag babawasan hinihingi rin namin ang proof kung paano mo ini-inform ang si consumer na babayaran nila ay pareho pa rin pero nababawasan  maganda ang sinabi nyo na hindi lang ilalagay sa grammage  kundi iha-highlight mismo ng manufacturer  ‘yung pagbabago,” ani Nograles.

Tiniyak din ng DTI na binabantayan nila ang mga manufacturer sa mga inilalagay sa label ng produkto

Sa bagong SRP ng DTI, may 271 items na kasama at 256 ang naiwan sa mahigit 500 na inihirit na magkaroon ng price adjustments.

Tanging 63 produkto ang pinahintulutang magtaas ng presyo.

EUNICE CELARIO