PHNOM PENH — Humakot ang Pilipinas ng 6 gold medals sa chess sa 12th ASEAN Para Games kahapon sa Royal University dito na umukit ng makasaysayang performance ng mga Pinoy sa biennial competition.
Nagbida si Darry Bernardo sa pagkopo ng men’s individual at team B2B3 gold kasama sina Arman Subaste at Menandro Redor upang magtapos na may six-gold haul — ang pinakamarami ng sinumang Pilipino rito.
Nagwagi rin si Cheyzer Mendoza ng dalawang mints sa women’s individual at team PI kasama sina Cheryl Angot at Jean-Lee Nacita upang tumapos na may limang golds at second most bemedalled athlete ng bansa.
Sumungkit din ng dalawang golds si Sander Severino, na tinalo si Indonesian Maksum Firdaus upang kunin ang individual triumphs, gayundin ang team kasama sina Felix Aguilera at Henry Lopez.
Dahil dito ay tumapos ang Filipino chessers na may 13 golds, mas mataas ng tatlo sa nakolekta noong nakaraang taon sa Surakarta, Indonesia.
“Para sa bayan at pamilya po ng team ito,” sabi ni national para chess team coach James Infiesto.
Nahigitan na ng bansa ang 28 golds na nakolekta nito noong nakaraang taon sa Surakarta, Indonesia.
Nakuha ng Pilipinas ang ika-28 gold medal nito mula kay javelin thrower Andrei Kuizon kahapon sa Morodok Techo National Stadium. Nakopo ni Kuizon, isang 22-year-old Pampanga native na natanggal sa wheelchair basketball team, ang mint makaraang magpasya ang mga organizer na ihiwalay ang mga nanalo sa F54 class sa F34.
Ang reigning shot put gold winner ay unang ginawaran ng silver noong Miyerkoles na may 19.03-meter heave habang nakopo ni Vietnamese Vivan Tung ang gold na may 21.33m heave.
Hanggang sa mamagitan ang tadhana at ibigay sa wonder thrower mula sa Las Pinas, isang protégée ni dating national team member Nixon Mas, ang kanyang ikalawang gold. “Nag-decide ang TIC (organizer) ibigay ang gold kay Andrei. Meron na kami papel na ipinadala nila na nagpapatunay at nakuha na rin namin gold medal niya,” wika ni national track and field assistant coach Bernard Bren, nagsasalita sa ngalan ni head coach Joel Deriada.
Ang tagumpay ni Kuizon ang nagselyo sa spectacular performance ng 23-strong athletics squad kung saan tumapos ito na may 10-gold, 10-silver at 11-bronze harvest, na mas mataas sa 6-4-14 effort nito noong nakaraang taon.
Inilagay rin nito ang buong Philippine Para team sa posisyon na mahigitan ang 28-30-46 performance nito sa Surakarta kung saan nakalikom na ito ng 28-31-39 hanggang press time. Nakasalalay ito ngayon sa entries ng bansa sa chess, badminton at table tennis, na may mga event pa hanggang press time.
Subalit posibleng magmula ito sa Filipino woodpushers, na nakapagbigay na ng pitong mints mula sa rapid at standard events— apat kay Darry Bernardo sa men’s B2B3 class at tatlo kay Cheyzer Mendoza sa women’s PI section.
Matapos ang tatlo sa six-round blitz chess action, apat na Filipino players—Bernardo, Mendoza, Arman Subaste (B2B3), Henry Lopez (men’s PI) at Francis Ching (men’s B1) — ang kasalukuyang nasa solo first place o tabla para rito. Sa swimming sa Morodok Aquatics Center, nagkasya sina Gary Bejino at Marco Tinamisan sa pares ng silver medal finishes sa 100m freestyle S6 at S4, ayon sa pagkakasunod.
Naorasan si Bejino, nagwagi ng dalawang gold medals sa record-breaking fashions papasok sa final day ng pool competition, ng 1 minute at 15.09 seconds sa pagtatapos sa likod ni eventual gold medalist Auyng Myint Myat ng Myanmar, na may 1:14.90.
Nagtala naman si Tinamisan ng 1:47.45 sa pagtatapos sa likod ng 1:36.23 ni Danh Hoa ng Vietnam.