PINATUNAYAN ni Erwin Fermato Gutierrez, Jr. na dapat ipagmalaki ang pagiging isang tech-voc graduate matapos nitong makakuha ng 2-year Diploma Course sa Hotel and Restaurant Services sa Baguio City School of Arts and Trades.
Tulad ng kaniyang “ate” na nakapagtapos sa ilalim ng ladderized program ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), sinubukan din ni Erwin na sumali sa programa ng ahensiya na naaangkop sa kaniyang abilidad.
Sa edad na 17, nagsimula ng kumita si Erwin mula sa kanyang pagsisikap at kakayahan. Pumasok siya bilang on-call service staff sa Jack Grandview, Mountain Lodge na siyang mas nagpalawak pa ng kaniyang kaalaman sa napili niyang kurso. Nagtrabaho rin si Erwin bilang pastry assistant sa Jacks Grandview Boutique Hotel and Restaurant nang matapos niya ang kaniyang pagsasanay sa TESDA.
Bagama’t marami ang kumukuwestiyon sa kaniyang kredebilidad at kakayahan, ipinagpapatuloy lang ni Erwin ang kanyang pagsisikap at ngayon ay isa ng assistant manager sa Pamana Hawaiian BBQ and Tsokolateria Café and Restaurant.
Bilang assistant manager, ngayon ay naibabahagi na ni Erwin ang kanyang mga natutunan sa TESDA. Payo ni Erwin, “Giving up is never an option. You always need to see all things as an opportunity to grow and always try to put your best foot forward.”
Comments are closed.