ATE GUY NAKAUNGOS KAY ATE VI SA SHOWBIZ

faceup

PAGKATAPOS ng kanyang termino bilang congresswoman ng Batangas sa susunod na taon, haharapin na ni Vilma Santos ang showbiz particular ang pagdidirek ng pelikula. Sabi ng isang netizen, dapat nuong pa niya inumpisahan ang pagiging aktibo sa showbiz. Anong roles naman kaya ang babagay sa kanya?

Busy si Vilma sa kanyang youtube channel. Takot nga siyang lumabas ng kanyang mansiyon dahil sa pandemic. Pero sobrang abala nga ba si Vilma kaya sa anim na taon niya sa kongreso, hindi siya Nakagawa kahit isang movie?

Hindi consistent ang mother dear ni Luis Manzano. May kausap na raw siyang film producer para sa bagong movie pero ngayon gusto palang magdirek pelikula. Alin ba ang mauuna?

Kung gagawa kasi ng pelikula, mother roles na lang ang pwede. Kahit baby face si ate Vi, mahirap nang dayain sa make-up para bumata ang kanyang mukha.

Yan ang pagkakaiba nila ni Nora Aunor. Pinagbigyan niya ang mga new filmmakers at mga producers kaya naman, sa pagbalik niya ng Pinas nuong Enero 2011 hanggang 2021, marami siyang nagawang makabuluhang pelikula at nakagawa pa ng mga serye sa TV5 at GMA7. Bongga ang kanyang achievements in terms of international awards at kabiala kabila ang awards sa ating bansa.

Isa lang ang hinihintay ng lahat. Ang maging nominado muli ang aktres sa Natiional Artist. Sa ngayon, lumahok si Ate Guy sa politika sa pamamagitan ng NORAA Partylist.

WALANG PAMBATA SA MMFF 2021

Ngayong naihayag na ang Magic 8 films na pasok sa Metro Manila Film Festival, sinadya ba ng selection committee ng MMDA at mga LGU na walang lahok na pelikulang pambata?

Siguro! Para na rin siguro pangalagaan ang kanilang kaligtasan. Kasi nga, alert level 2 sa Metro Manila at may mga health protocols pa ring dapat sundin.

Okey lang sa mga cinema operators na 50% audience capacity lang ang papayagang makapasok. Siyempre, ang mga producers na kasali ay umaasam na maging Alert 1 sa buwang ng Disyembre para payagan ang 100% audience capacity. Kaya nga miss nila ang mga pelikula ni Vic, Sotto, Vice Ganda at Coco Martin.

May pelikula naman sina Dingdong Dantes (A Hard Day), Kim Chui, Beauty Gonzales at Aiko Melendez (Huwag Kang Lalabas), Charo Santos at Daniel Padilla (Kun Maupay It Panahon), Toni at Alex Gonzales(The Exorsis), Raymond Bagatsing, WynWyn Marquez (Nelia), Kaori Oinuma, Jeremiah Lisbo (Love At First Stream), Christian Bables, John Arcilla (Big Night) at Rita Daniela (Huling Ulan sa Tag-Araw.)