(Ayon sa BSP) BAGONG P1K BILL BAWAL TIKLUPIN

NAGLABAS ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng bagong guidelines hinggil sa tamang paggamit sa bagong disenyo na P1K bill na gawa sa polymer.

Ilan sa mga nasa guidelines ang ‘keep them flat’ at ang ‘do not excessively fold or crumple the banknote.’

Ipinayo ni incoming BSP Governor Felipe Medalla na dahil bawal matiklop nang sobra ang bagong pera ay dapat na bumili ng mas mahabang wallet, na agad namang kinondena ng mga netizen.

Anila, mas maigi pa na gamitin ang lumang disenyo ng P1K bill dahil puwede itong tiklupin tulad ng nakasanayan.

– DWIZ 882