NAPAKALIIT lamang ng magiging epekto ng pagtaas sa presyo ng langis sa singil sa koryente, ayon kay Department of Energy (DOE) Assistant Secretary Gerardo Erguiza Jr.
Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Erguiza na napakaunti lamang ang power plants sa bansa na gumagamit ng langis.
Aniya, karamihan sa power plants sa bansa ay coal-fired at pinatatakbo ng renewable sources.
“We do not have a problem (on power rates due to oil price hike) because for other sources like coal and the renewable sources, we don’t have (supply) problem,” sabi ni Erguiza.
Idinagdag pa niya na ang kasalukuyang sitwasyon sa oil market ay higit na nakaaapekto sa transport sector.
Sa ika-6 na sunod na linggo ay muling nagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis nitong Martes.
Year-to-date, umabot na sa PHP16.55 kada litro ang itinaas ng presyo ng gasolina, PHP15 sa diesel, at PHP13 sa kerosene.
Sinabi ng DOE official na ang oil price increases sa mga nakalipas na linggo ay dulot ng tighter global supply sa gitna ng tumataas na demand sa pag-igting ng economic activities sa huling quarter ng taon.
Ang global oil demand ay nasa 103 million barrels per day (bpd) ngunit ang supply ay nasa 100 million bpd lamang, kulang ng 3 million bpd. PNA
458130 638113I conceive this web site has got some real excellent info for everybody : D. 41331