(Ayon sa SWS survey)12.2M PAMILYANG PINOY POBRE

mahirap

Lumitaw sa nationwide survey na isinagawa noong June 26-29 — ang huling linggo ng administrasyong Duterte — na 48% ng pamilyang Pinoy ang nagsasabing mahirap sila.

Sa pagtaya ng SWS, ang self-rated poor Filipino families ay nasa 12.2 million — mas mataas sa 10.9 million o 43% count sa kaparehog survey na isinagawa noong Abril.

Nasa 31% naman ng respondent families ang nagsabing nasa borderline poor sila, na ayon sa SWS ay ang “horizontal line dividing poor and not poor.” Ang nalalabing 21% ay nagsabing hindi sila naghihirap.

Lumabas din sa survey ng SWS na dumami ang mahihirap na pamilya sa Metro Manila, Balance Luzon (mga lugar sa labas ng Metro Manila), Visayas, at Mindanao.

Ang Visayas ang nagtala ng pinakamalaking pagtaas mula 48% noong Abril sa 64% noong Hunyo. Sumusunod ang Metro Manila na may 41% — tumaas mula sa 32% noong Abril. Nagtala ang Mindanao at Balance Luzon ng bahagyang pagtaas sa 62% at 36%, ayon sa pagkakasunod.