NAGBABALA ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga driver at operator ng public utility vehicles na huwag basta magtataas ng singil sa pasahe nang walang pagsang-ayon ang ahensiya.
Nilinaw ni LTFRB Board Member Aileen Lizada na nakabimbin pa ang petisyon ng pagtataas sa singil sa pasahe sa UV Express, jeepneys, city at provincial buses.
Nakatanggap ng ulat si Lizada na ilang mga driver at operators ang nagtataas ng singil sa pasahe dahil sa pagtataas ng presyo ng petrolyo.
Hinimok ni Lizada ang mga pasahero na i-report sa LTFRB Citizen Enforcer Facebook Page ang unauthorized na pagtataas ng singil sa pasahe ng mga driver.
Makatutulong ang pagre-report sa kanilang facebook page, isama lamang ang plate number ng overcharging drivers and operators.
May multang P5,000 sa first offense, P10,000 at P15,000 sa mga susunod na paglabag hanggang sa mauwi sa pag-revoke o pagbawi sa lisensiya ng mga lumalabag na driver at operator. AIMEE ANOC
Comments are closed.