(Bago ang Tokyo Olympics) MARCIAL SASABAK SA 3 PRO FIGHTS

Eumir Felix Marcial

MAGHIHINAY-HINAY lang si Olympic-bound Eumir Felix Marcial sa kanyang pagpasok sa mundo ng professional boxing, ayon sa kanyang handlers.

Sinabi ni Sean Gibbons ng MP Promotions sa online version ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum na inihahanda si Marcial sa tatlong fights bago ang Tokyo Olympics sa Hulyo sa susunod na taon.

Para sa starters, si Marcial ay dapat na sumalang sa four-rounder, at pagkatapos ay unti-unting aakyat sa anim depede sa resulta.

Ang 24-year-old na si Marcial, isang multi-titled amateur, ay pumirma ng kontrata sa MP Promotions. Kasunod nito ay lalaban na siya bilang isang pro, subalit nanindigan sa kanyang hangaring masungkit ang mailap na Olympic gold.

“We hope to have three fights before the Olympics,” wika ng presidente ng MP Promotions na pag-aari ni boxing icon at Sen. Manny Pacquiao.

“Step by step,” ani Marcial, nang tanungin ang kanyang dream fight.

Binanggit ni Marcial ang mga pangalan nina middleweight kings Canelo Alvarez, na 30 years old, at  Gennady Golovkin, 38. Gayunman ay binigyang-diin niya na masyado pang maaga para isipin ang malalaking laban.

“Too far ahead. I’m just starting out. I still have to fight the best in the Olympics, the Russian who beat me, the Ukrainian, the boxer from Kazakhstan and Cuba,” aniya.

“Malayo pa,” sabi pa ni Marcial, ne deteminadong kunin ang unang Olympic gold para sa Filipinas.

Sinabi ni Gibbons na darating din ang tamang panahon para sumabak si Marcial para sa world title.

“As we move along. By the third year (as a pro) I think he’ll be able to challenge someone for the title,” wika niya.

Bilang isang pro, si Marcial ay lalaban sa 160 pounds o middleweight. Sa Olympics, sasabak siya sa 75 kgs o 165 pounds. Magsasanay siya sa Los Angeles para sa kanyang pro debut.

Aniya pa, ang tatlong fights ay dapat na umakma sa iskedyul ni Marcial sa susunod na siyam na buwan. Sa  Abril sa susunod na taon, ang   hard-hitting native ng Zamboanga ay magpopokus na sa Olympics.

“Hopefully we can do something in October and work from there. Three fights before he has to stop and fully concentrate on the Olympics,” ani Gibbons.

“We just want to keep in line with what he’ll be doing in Tokyo.

“Everything is geared towards the preparations for the Olympics.”

Comments are closed.