TINIYAK ng Overseas Filipino workers welfare administration OWWA na patuloy ang kanilang pakikipagkoordinasyon sa iba pang ahensya ng gobyerno upang masiguro na ligtas ang repatriation ng mga natitira pang OFWs sa Lebanon.
Ang pahayag ng OWWA kasunod ng pagdating ng panibagong batch na mga OFW ligtas na nakauwi sa bansa.
Ang karagdagang 50 OFWs ay lulan ng Philippine Airlines flight PR659 na lumapag sa NAIA Terminal 1.
Sinalubong ang mga ito ng OWWA sa pangunguna ni Deputy Administrator for Operations Mary Melanie Quiño at iba pang ahensya ng gobyerno para mabigyan ng kinakailangang assistance mula sa pamahalaan.
CRISPIN RIZAL