SULTAN KUDARAT – NAGULANTANG ang residente ng Barangay Poblacion, Lambayong bunsod ng pagsabog na kinalaunan ay nalamang bahay ng alkalde ng nasabing bayan.
Ayon sa ulat, pinasabugan ng granada ng dalawang lalaki ang bahay ni Mayor Ramon Abalos.
Makaraan ang paghagis ng granada ay tumakbo ang mga hindi nakikilalang suspek sa direksiyon ng Brgy. Tinumigues sa nasabing bayan.
Ligtas naman ang ilang pulis na nakabantay sa bahay ng alkalde ngunit nagdulot ito ng pagkaalarma lalo na at ito na ang ikalawang beses na pinasabugan ang bahay ng nasabing opisyal kung saan noong buwan ng Hulyo sugatan ang kapatid ng alkalde na si Carlos Abalos, pati na ang pinsan nitong si Richard Abalos.
Iniuugnay naman ang pagpapasabog dahil sa sunod-sunod na mga naitalang patayan sa lugar kung saan karamihan sa mga biktima ay mga moro. AIMEE ANOC
Comments are closed.