LA UNION – MAAYOS na ang lagay at nakalabas na ng ospital ang inambush na si Balaoan Mayor Aleli Concepcion.
Sinabi ni C/Insp. Silverio Ordinado Jr., tagapagsalita ng La Union Police Provincial Office, bumuti na ang kalagayan ng alkalde kaya pinahintulutan na ito ng doktor na sa bahay na lamang ituloy ang pagpapagaling.
Ayon kay Ordinado, mahigpit nilang binabantayan si Mayor Aleli upang matiyak ang kanyang kaligtasan.
Marami ang nagpapaabot ng pakikiramay at dalamhati sa inulilang pamilya ng ama nitong si Balaoan Vice Mayor Alfred Concepcion na namatay sa pananambang. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.