BASHERS NI SHARON CUNETA DUMAMI DAHIL KAY PANELO

direk line

KILALA si Sharon Cuneta na isa sa apat na movie queens ng Pelikulang Pilipino na may staying power. Napakarami ng fans ng megastar. Pero mula ng pumasok siya sa politika, medyo nag-iba ang ihip ng hangin. Ginagawa niya lahat para manalo ang kanyang asawang si Kiko Pangilinan bilang Bise Presidente ng bansa lalo na ngayong nangulelat ito sa surveys. Ginagamit ni Shawie and kanyang power bilang isang sikat na artista para maraming bomoto sa kanyang asawa.

Nitong nakaraang araw, binatikos siya ng mga netizens nang nagkomento siya ng hindi maganda laban sa senatorial candidate na si Atty Salvador Panelo. Kinanta kasi ni  Panelo ang isang hit song ni Shawie na “Sana’y  Wala Ng Wakas” sa isang campaign sortie. Nagkomento ang megastar na na “off” na kantahin ng isang kandidato ang pinasikat niyang kanta lalo na kung eto ay nasa kabilang grupo. Sabi nya “ Why? Tell me WHY? I gotta fight for my song’s rights as well as Willy Cruz’s who wrote it. Cannot be. Di dapat sinisira ang isang classic. Bast TAYO ANG ORIG. Oh pleas WE HAVE NOT ALLOWED YOU TO USE OUR SONG. Please stop. Nakakaawa naman ang kanta naming at nakakahiya.” Dumagdag pa ang anak niyang si Frankie.

Sinagot ito ng maayos ni Panelo na espesyal sa kanya ang kanta dahil eto ang inalay niya sa anak nyang may Down Syndrome na namayapa na. At nilinaw ni Panelo na humingi muna siya ng permiso mula sa Viva Records. Marami ang nakisimpatiya kay Panelo. Ano nga naman ang karapatan ni Sharon e singer lang siya. Kinastigo tuloy ang Megastar ng mga netizens dahil madamot daw eto.

Sa araw na ito nagpost ang Megastar sa Twitter account niya na “ From now on, GOOD VIBES ONLY”. Pinagtanggol siya sa mga natitirang fans niya pero marami pa rin ang nagkomento ng hindi maganda sa asawa ng vice presidential aspirant.

BALAY NI LOLA KAKAIBANG REALITY SHOW

May bagong reality show na mapapanood Sa TV pagkatapos ng eleksyon — “Ang Balay ni Lola” na inihahandog para sa LGBTQ community.

Ang mga boarders or housemates dito ay mga iba’t ibang klaseng Filipino beki sa loob at labas ng bansa. Handog ito ng OzyPinoy Productions na nakabase sa Perth, Australia sa pamamahala ni Art Soriano na organizer na rin ng mga concerts sa Land Down Under.

Ang inyong lingkod po ang napiling napiling director sa reality show na eto. Kahit po unang reality show ko ito, confident po akong magiging maayos ang lahat dahil marami-rami na rin naman akong karanasan sa ganitong klase sa iba’t ibang bansa na napuntahan ko bilang isang Cruise at Entertainment Director.

Magiging host ng nasabing reality show sina Mel Martinez at Toni Co. Co-hosts naman sina Zara Lopez at Sabrina M. Si Mel ay kapatid ng Diamond Star na si Maricel Soriano, si Zara ay miyembro ng Viva Hot Babe na isa na ring TikTok influencer habang si Sabrina ay isang sikat na sexy star noong 90s.

Sa mga beking interesadong mag audition, gumawa kayo ng intro video tungkol sa sarili nyo at i-submit sa [email protected].