DALAWANG basketball tournaments na may magkaibang format at age group ang tampok sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong Martes sa Rizal Memorial Sports Complex.
Magiging sentro ng talakayan ang 14th edition ng National Basketball Training Center (NBTC) at ang Sinag Liga Asya Lakas Kwarenta sa 10 a.m. public sports program.
Tatalakayin ni dating PBA player at champion coach Eric Altamirano ang pinakabago sa NBTC, bilang long-time program director ng torneo na tinatarget ang grassroots basketball sa bansa. Samantala, tatalakayin ni ex-PBA star Rodney Santos ang Sinag Lakas Kwarenta meet na tinatampukan ng mga player na may edad 40-and-above kung saan nagsisilbi siyang commissioner. Ang weekly session ay itinataguyod ng San Miguel Corporation, Philippine Sports Commission, MILO, Philippine Olympic Committee, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR). Ang Forum ay naka-livestream via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociationat mapakikinggan sa delayed basis sa Radyo Pilipinas 2, na isini-share din ito sa kanilang official Facebook page.