BATANG GILAS PASOK SA FIBA U17 WORLD CUP

Pba game 3

NAKAKUHA ng puwesto ang Gilas Pilipinas Youth sa FIBA U17 World Cup makaraang pataubin ang Japan, 64-59, sa quarterfinals ng FIBA U16 Asian Championship sa Al-Rayyan Indoor Hall nitong Sabado sa Doha, Qatar. 

Nanguna si Kieffer Alas para sa Batang Gilas na may 29 points, 9 rebounds, at 3 assists.

Nalimitahan sa 9 points lamang sa second quarter at naghahabol sa 35-25 sa halftime, na-outscore ng Batang Gilas ang Japan, 21-10, sa third quarter upang kunin ang 46-45 kalamangan papasok sa fourth quarter.

Tinangka ng Gilas Youth na lumayo makaraang maitarak ang 60-55 kalamangan, may 3:04 ang nalalabi sa final quarter, subalit ang back-to-back layups ang naglapit sa Japan sa isang puntos, 60-59, may 1:59 sa orasan. Gayunman ay dalawang beses na nakita ni Alas na libre si Bonn Daja sa loob para sa back-to-back baskets sa sumunod na dalawang plays upang tulungan ang koponan na makalayo sa Japan.

Nagdagdag si Joaquin Ludovice ng 11 points, 3 rebounds, 1 assist, at 2 steals para sa Gilas Youth.

Susunod na maka- kaharap ng Batang Gilas ang Australia sa Linggo ng umaga (PH time) sa semifinals.

Gaganapin ang World Cup sa Turkey sa June 29-July 7, 2024.

Ang pinakamagandang pagtatapos ng Pilipinas sa U17 World Cup ay noong 2018 nang pumang-13 ito.