BATAS SA SAPILITANG PAGBABAKUNA VS COVID-19 ISINULONG NI ROBES

Florida Robes

NAGHAIN ng panukalang batas si San Jose Del Monte City, Bulacan Rep. Florida P. Robes upang maging sapilitan na ang pagbabakuna laban sa Covid-19 sa mga karapat-dapat tumang­gap nito.

Magiging mandato ng House Bill No. 10249 na kilala bilang An Act Providing for Mandatory Covid-19 Vaccine for All Filipino Citizens Eligible to Receive the Vaccine and Appropriating Funds ang sapilitang pagkakaloob ng Covid-19 vaccine sa lahat ng mga Pilipino at mga naninirahan sa Pilipinas na may karapatang tumanggap nito.

Nakasaad din sa panukala na lahat ng gastusin para sa Covid-19 vaccine ay tatanggap ng buong suporta mula sa pamahalaan habang papayagan din ang mga pribadong kompanya na bumili ng bakuna basta’t ipamamahagi ito ng libre sa kanilang mga kawani.

Sinabi ni Robes na paulit-ulit ang deklarasyon ng World Health Organization (WHO) na ang bakuna ang isa sa pinaka-epektibong paraan upang maproteksiyunan ang mamamayan laban sa Covid-19 at iminungkahi rin nito na hindi na pangkaraniwan sa gobyerno at institusyon na magpatupad ng sapilitang pagbabakuna na maituturing namang makatuwiran upang maprotektahan ang kalusugan at kalagayan ng publiko

Ipinunto pa ng mam­babatas na ang Pilipinas ay nagpatupad na rin naman ng programag pagbabakuna ng sapilitan sa mga sanggol at mga bata. “We have Republic Act 10152 which is an act providing for the mandatory basic immunization services for infants and children and Republic Act 7846 which requires compulsory immunization against Hepatitis-B for infants and children below eight years old.  In the face of worldwide pandemic that is ravaging our country, it is crucial to implement a mandatory Covid-19 vaccination program for people who are eligible to get the vaccines in order to protect ourselves and our families but enable us to regain our economic foothold and resume our lives,” sabi pa ni Robes.

Gayunman, hindi kabilang ang sapilitang pagbabakuna sa sinumang naniniwalang taliwas ito sa kanilang relihiyon o makakasama sa kalaga­yang pang-kalusugan ng sinumang nagtataglay ng karamdaman na sertipikado ng lisensiyadong doktor.

May nakapaloob ding probisyon sa panukala na magbabawal sa diskriminasyon laban sa mga tumututol magbabakuna bunga ng pinaniniwalaang relihiyon o dahil sa hindi maayos na kalusu­gan at maging sa banta ng pagkasibak sa trabaho o pagpapatala sa pagpasok sa paaralan.

Ang lahat naman ng nakatanggap na ng kumpletong bakuna ay pagkakalooban ng Vaccine Pass bilang patunay na sila ay fully vaccinated na at ito ang kanilang gagamitin sa pagtungo sa mga lugar na dinarayo ng mga turista, hotel, pagtitipon-tipon at mga lugar na puwedeng paglibangan.

Ang mga tatanggi namang magpabakuna ng wala namang matibay na dahilan ay papatawan ng parusang pagkabilanggo ng hanggang 30-araw o multang aabot sa P10,000.00.

10 thoughts on “BATAS SA SAPILITANG PAGBABAKUNA VS COVID-19 ISINULONG NI ROBES”

  1. 805104 41096Get started with wales ahead nearly every planking. Ones wales truly are a compilation of huge planks one certain depth advisors surely may be the identical towards the entire hull planking even so with even larger density to successfully thrust outward beyond the planking. planking 520912

  2. 991093 746522 Youre so cool! I dont suppose Ive read anything like this before. So good to uncover somebody with some original thoughts on this subject. realy thank you for starting this up. this website is something that is necessary on the web, someone with a little originality. valuable job for bringing something new towards the internet! 354103

  3. 222468 863463Thanks for the auspicious writeup. It really used to be a leisure account it. Glance complicated to a lot more delivered agreeable from you! However, how can we be in contact? 336651

Comments are closed.