INIHAYAG ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na ipadadala na ng Malakanyang ang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang certified as urgent ang panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL.
Nagtungo kahapon sina Sotto at Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa Palasyo kung saan sinaksihan ang pagpirma ng Pangulo sa sertipikasyon para sa madaliang pagpapasa sa BBL.
Dahil dito, inaasahan na tapusin ng Senado ngayong araw ang period of amendments bago ang session break para sa ikatlo at huling pagbasa ng panukalang BBL.
Ayon kay Sotto, habang session break ay magsasagawa ng Bicam hearing sa naturang panukalang batas.
Subalit, wala pang specific date ang kanilang gagawing bicam at ito ay kanya pang aalamin kay Senador Zubiri, chairman ng Subcommittee on BBL. VICKY CERVALES
Comments are closed.