Laro ngayon:
(Araneta Coliseum)
Game 7, best-of-seven finals
6 p.m. – San Miguel vs TNT
DALAWANG mahahalagang katangunan ang masasagot sa title confrontation ng Talk ‘N Text at San Miguel Beer.
Mapanatili kaya ng Tropang Giga ang korona sa Philippine Cup o mabawi ng Beemen ang titulo na huli nilang hinawakan noong 2017?
Malalaman ito sa paghaharap ng TNT at SMB sa deciding Game 7 ngayong alas-6 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.
Binawian ng Beermen ang Tropang Giga sa Game 6, 114-96, upang ipuwersa ang do-or-die match.
Inaasahang magiging kapana-panabik ang rubber match na panonoorin ng partisan crowd.
“We have to play one more good game to make it happen and reclaim the crown. We have to play like we did in Game 6 to accomplish our goal,” sabi ni SMB coach Leo Ausrtria.
Target ni Austria ang ika-9 na PBA title at ika-11 overall sa kanyang coaching career kasama ang 2013 Asian Basketball League.
Ang momentum ay nasa SMB dala ng panalo sa Game 6. Tiyak na gagamitin ni Austria ang momentum bilang jumping board sa kanilang pagbawi sa korona.
Sinabi ng 64-anyos na veteran mentor na kailangang paigtingin ang kanilang opensiba at palakasin pa ang depensa sa “wala nanc bukas” na Game 7.
“We have to play with vigor and intensity and put premium on our defense. We have to neutralize and limit the output of Mikey Williams and Roger Pogoy like we did in Game 6. Ganoon din ang gagawin namin sa Game 7,” wika ni Austria.
Muling sasandal si Austria sa kanyang mga gunner na sina June Mar Fajardo, Marcio Lassiter, CJ Perez, Simon Enciso, Jericho Cruz at Moala Tautuaa.
Sina Lassiter at Enciso ang susi sa panalo ng SMB sa Game 6. Gumawa si Enciso ng 6 of 7 at si Lassiter ng 4 of 5 sa rainbow territory.
Sa kabila na nabigo sa Game 6 ay hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si coach Chot Reyes at sinabi ng 59-anyos na TNT veteran mentor na maglalaro sila nang husto upang mapanatili ang korona.
“This is the time to do the right thing and retain the title, We will play our best and give our best shots to realize our dream,” sabi ni Reyes, target ang ika-9 na PBA title mula pa noong 1993.
Hindi sigurado kung maglalaro si Jayson Castro sa Game 7. Nagtamo si Castro ng right ankle injury sa first quarter sa Game 6.
Pangungunahan nina streak shooters Mikey Williams at Roger Pogoy ang opensiba ng TNT, katuwang sina John Paul Erram, Kelly Williams, Dave Marcelo, Kib Montalbo at Ryan Reyes.
CLYDE MARIANO