(Beermen sinilat) E-PAINTERS BUHAY PA

rain or shine

Mga laro ngayon:

(Ynares Center-Antipolo)

4:30 p.m. – Meralco vs NorthPort

6:45 p.m. – Magnolia vs NLEX

PINUTOL ng Rain or Shine ang two-game skid sa pamamagitan ng 91-85 pagdispatsa sa San Miguel Beer upang mapanatiling buhay ang kanilang kampanya sa playoffs sa PBA Governors’ Cup kagabi sa Hoops Dome sa Cebu.

Kumana si Rain or Shine rookie Javee Mocon ng double-double upang pangunahan ang Elasto Painters na may 16 points at 14 rebounds,  habang nag-ambag sina Richard Ross at Rey Nambatac ng 16 at 15 points, ayon sa pagkakasunod.

Tinangka ng Beermen na humabol sa likod ni Chris Ross, na naitala ang 8 sa kanyang 19 points sa fourth quarter.

Humabol ang Beermen mula sa 22-point deficit sa pamamagitan ng 16-2 run, tampok ang top-of-the key triple ni Arwind Santos upang tapyasin ang kalamangan sa 2 points, 85-87.

Subalit tatlong sunod na fouls ng 2019 Commissioner’s Cup champions ang nagdala sa Painters sa line upang palobohin ang bentahe sa 6 points, 91-85, may 28.3 segundo ang na­lalabi sa 4th quarter.

Nagbida si June Mar Fajardo sa Beermen na may double-double 17 points at 11 rebounds.

Samantala, puntirya ng NLEX na higpitan ang kapit sa liderato at palakasin ang kanilang kampanya sa twice-to-beat bonus kontra Magnolia sa Ynares Center sa Antipolo City.

Hawak ang 7-1 record, haharapin ng tropa ni coach Yeng Guiao ang Hotshots sa main game sa 6:45 ng gabi matapos ang 4:30 p.m. match ng Me­ralco at NorthPort.

Dahil nakakuha ng magaling na import sa katauhan ni Manny Harris at mataas ang morale sa panalo laban sa kulelat na Rain or Shine, liyamado ang Road Warriors kontra Hotshots na may 5-4 kartada sa ika-6 na puwesto.

Muling masusubukan ang galing ni Harris sa kanyang pagharap sa balik- import na si Romeo Travis at umaasa si coach Guiao na dadalhin ng NBA veteran ang NLEX sa panalo upang mapanatili ang winning run.

Inamin ni Guiao na mahirap talunin ang Magnolia at bago makuha ang panalo ay kailangang maglaro nang husto ng kanyang import, gayundin ng locals sa pangunguna nina playmaker Kiefer Ravena, Philip Paniamoga, JR Quinahan, John Paul Erram, Larry Fonacier, Pepito Galansa at Kenneth Ighalo.

“Beating Magnolia is not easy. We have to play our best out there to win,” ani Guiao. CLYDE MARIANO

Iskor:

Rain or Shine (91) – Mocon 16, Ross 16, Norwood 15, Nambatac 15, Ponferada 10, Daquioag 6, Borboran 5, Belga 5, Torres 3, Onwubere 0, Exciminiano 0.

San Miguel (85) – Ross 19, Fajardo 17, Santos 14, Holland 10, Cabagnot 9, Lassiter 5, Nabong 5, Romeo 4, Tautuaa 2, Pessumal 0.

QS: 18-11, 46-31, 69-52, 91-85.

Comments are closed.