MARAMI ang pumupuri sa Kapuso actress na si Bianca Umali dahil hindi lang siya nag-ambag ng pera kundi pati talento para tulungan ang ating frontliners sa kanilang laban sa COVID.
Gumawa kasi siya ng face masks na siya mismo ang pumili ng materyal na gagamitin. Katunayan, pinuri ng netizens ang kanyang pagiging malikhain.
Hirit pa ng kibitzers,mas maa-appreciate raw ng health workers ang kanyang donasyon dahil may personal touch ito.
Sa Instagram account niya, ibinahagi niya kung paano ang naging proseso niya sa paggawa ng face mask gamit lamang ang panyo.
Naisipang i-share ito ng aktres dahil malaki pa rin daw ang kakulangan ng surgical face masks sa bansa na isinu-supply sa health workers natin sa ngayon.
Sey niya, simpleng paraan daw ito para sa kaligtasan.
“For areas placed under ECQ, the IATF hereby adopts the policy of mandatory wearing by all residents of face masks, earloop masks, indigenous, reusable or do-it-youself masks, face shields, handkerchiefs, or such other protective equipment that can effectively lessen the transmission of COVID-19, whenever allowed to go out of their residences,” aniya.
SERYE NI YASMIEN KURDI HUMAHATAW SA ABROAD
HUMAHATAW sa abroad ang Kapuso teleseryeng “Hindi Ko Kayang Iwan Ka” ni Yasmien Kurdi.
Patok ito sa Spanish-speaking countries tulad ng Ecuador kung saan may cult following na ito. Katunayan,sobrang inabangan ang pagtatapos ng naturang adbokaserye sa Ecuador.
Kaya naman,labis na nagpapasalamat si Yasmien sa mga loyal viewers ng kanyang pinakaabangang TV series.
Comments are closed.