INAPRUBAHAN na ng Asian Development Bank (ADB) ang $2-million grant upang suportahan ang emergency response ng pamahalaan sa pananalasa ng bagyong Odette noong Disyembre ng nakaraang taon.
Ayon sa Manila-based multilateral lender, ang grant ay nasa ilalim ng kanilang Asia Pacific Disaster Response Fund.
Ang grant ay magkakaloob ng humanitarian assistance sa may 15,000 pamilya, o 75,000 katao, sa Visayas at Mindanao na labis na naapektuhan ng bagyo.
Magkakaroon din ng food vouchers para sa mga target na komunidad at logistics support sa food assistance delivery.
“Typhoon Odette’s damage on housing, agriculture, and infrastructure amid the COVID-19 pandemic has made life more difficult for Filipinos in affected areas,” wika ni ADB director general for Southeast Asia Ramesh Subramaniam.
“This assistance will help finance the humanitarian needs of those residents, especially people living in remote areas,” dagdag ni Subramaniam.