MAY kabuuang 156 Go Lokal! outlets ang binuksan ng Department of Trade and Industry (DTI) sa buong bansa magmula nang ilunsad ang programa noong December 2016.
Ayon sa DTI, ang Go Lokal! program ay may 24 partner retailers, karamihan sa mga ito ay nangungunang mall operators sa bansa.
Layon ng programa na madala ang mga produkto ng micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa mainstream market.
Sinabi ng DTI na may kabuuang 863 MSMEs ang natulungan sa pamamagitan ng programa, kung saan 412 enterprises ang naging regular suppliers ng malalaking retailers.
May kabuuang P466 million na ang nalikom na benta mula nang ilunsad ang programa.
“The Go Lokal! program continues to provide business opportunities to MSMEs through its partnerships with major retailers (malls, department stores, supermarkets, duty-free shops, convenience stores, hotels, and e-commerce platforms) who share the same vision of providing free retail space to MSMEs,” ayon sa ahensiya.
Sa Mayo 2 ay ilulunsad ng DTI ang isa pang Go Lokal! outlet, ang unang inline store sa Ayala Malls Marina Bay.
“It is managed by Common Room PH, a local retailer that houses over 200 local crafters and brands. There are currently 18 Go Lokal! suppliers in the inline store that offer food and wellness products, fashionable accessories, homeware, and toys,” anang ahensiya.
Ang Go Lokal! ay isa sa mga inisyatiba ng DTI para hikayatin ang Filipino MSMEs na paghusayin ang kalidad ng kanilang mga produkto nang sa gayon ay higit silang maging kumpetitibo kapwa sa domestic at foreign markets. PNA