SA KABILA ng panliligalig ng COVID-19 pandemic, nagawa pa ring humataw sa pagkolekta ng buwis ang mga Metro Manila collector ng Bureau of Internal Revenue (BIR) kaya pinagkalooban sila ng komendasyon ng Kongreso.
Nanguna, base sa record ng Department of Finance (DOF), sina BIR Regional Directors Glen Geraldino at Maridur Rosario, ng Makati City; Jethro Sabariaga (Manila); Romulo Aguila, Jr. at Albin Galanza (QC) at Gerry Dumayas (Caloocan City).
Kamakailan ay nagpalabas ng resolusyon ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pagkakaloob ng komendasyon sa liderato nina Finance Secretary Carlos ‘Sonny’ Dominguez III at BIR Commissioner Caesar ‘Billy’ Dulay dahil sa ‘efficient tax collection performance’ na ipinamalas nito sa kabila ng health crisis na dulot ng COVID-19 matapos na makuha ang tax collection goal noong 2020 fiscal year.
Ang komendasyon ay nilalaman ng House Resolution No. 1538 na inakda nina House Majority Floorleader at Leyte Congressman Martin Romualdez at Deputy Majority Leader and Pampanga Congressman Juan Miguel Arroyo.
Pinapurihan ng mga mambabatas ang BIR matapos itong makakolekta ng P1.94 trilllion sa pagtatapos ng taxable year noong nakalipas na taon.
“The BIR has exceeded its tax collection target for the fiscal year 2020 despite the crippling effect of the COVID-19 pandemic on the national economy,” pahayag nina Congressmen Romualdez at Arroyo.
“The entire economic strategy of the Duterte administration will fail if our revenue efforts fail. From this persfective, the BIR is leading the charge to bring the change our people yearn for and to win the future our people deserve. Kaya naman sa ngalan ng Pangulong Duterte ay binabati ko ang magandang tax performance ng BIR sa pagtulong sa pagbangon ng ating ekonomiya,” sabi ni Secretary Doninguez.
“Nakatataba ng puso kapag nakikita mong nagtatrabaho nang husto ang mga BIR official na lumasap ng matinding shorfall sa tax collections sa pananalasa ng pandemyang COVID-19 at ngayon ay unti-unti nang nakakabangon at nahigitan pa ang kanilang tax goal,” pahayag ni Commissioner Dulay.
Nag-ugat ang magandang tax collections performance ng BIR sa massive tax collection campaign nito sa Metro Manila, kung saan ginalugad ang mga hinihinalang ‘di nagbabayad ng tamang buwis hanggang sampahan ng mga kaso sa korte ang mga negosyanteng nagsasamantala.
Ang massive tax campaign ay sinimulan sa Makati City ng mga regional director hanggang magsunuran na rin ang Manila, QC, Caloocan pati ang Pampanga, Batangas, Cavite, Cebu at iba pa.
Humataw rin sa tax collections ang mga Revenue District Officer ni San Fernando, Pampanga BIR Regional Director Edgar Tolentino na sina Agakhan Guro ng Tarlac City; Bernadette Mangaoang ng Paniqui, Tarlac; Esperanza Castro, Olongapo City; Felix Roy, Subic Bay Freeport Zone; Maria Thelma Pulhin, Balanga City, Bataan; Mary Ann Canare, Angeles City, North Pampanga; Emilia Combes, ng San Fernando, Pampanga; Gerardo Utanes, Clark Freeport Zone; Lope Tubera ng Baler, Aurora; Mercedes Estalilla, ng Talavera, North Nueva Ecija; at Gil Vinluan, Jr., ng Cabanatuan City, South Neva Ecija.
Sa kanyang pananaw, sinabi ni Commissioner Dulay na sa gumagandang tax collection performance ng mga regional director at revenue district officer, bago matapos ang taong 2021 ay makakamit din nila ang inaasam na tax goal ngayong 2021 fiscal year.
Kasama sa listahan ng ‘top performers’ sina Metro Manila Revenue District Officers Rufo Ranario, ng Valenzuela City; Arnold Galapia, ng South-QC; Antonio Ilagan, North-QC; Rodel Buenaobra, ng Novaliches; Deogracias Villar, Jr. (Mandaluyong); Bethsheba Bautista (San Juan City);Saripuden Bantog (Pasig City) at Cynthia Lobo (Cainta/Taytay).
vvv
Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa 09266481092 o mag-email sa [email protected].
968597 932975This is the very first time I frequented your website page and up to now? I surprised with the research you made to create this particular put up extraordinary. 607394