KASUNOD ng pagpapalawig sa travel restrictions ng Inter-Agency Task For the Management on Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) sa 32 bansa hanggang Enero 31, 2021, bawal na ring makapasok sa Filipinas ang mga biyaherong daraan o magmumula sa United Arab Emirates at sa Hungary upang hindi makapuslit ang bagong COVID-19 variant.
Magsisimula ang temporary ban sa mga UAE at Hungary traveller ngayong alas-12:01 ng madaling araw, Enero 17, hanggang katapusan ng buwan.
“Foreign passengers coming from or who have been to the UAE and Hungary within 14 days immediately preceding arrival in the Philippines shall be prohibited from entering the country effective January 17, 2021, 12:01 a.m., Manila time until Jan. 31, 2021,” ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque.
Ang mga foreign traveller na dumating kahapon, Enero 16, ay kinailangang sumailalim sa 14-day quarantine kahit pa negatibo ang resulta ng kanilang reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) test.
Maaari namang makauwi ang mga Pinoy subalit kahit negatibo sa RT-PCR ay dapat sundin ang health protocol gaya ng pagku-quarantine ng 14 araw bago dumiretso sa kanilang tahanan.
“Filipino and foreign passengers merely transiting through these two countries shall be covered by the rules, as provided in the Memorandum from the Executive Secretary dated December 31, 2020, ayon kay Roque.
Idiniin pa ni Roque na dapat pa ring sundin ang regulasyon gaya ng pagbabawal na pag-uwi nang mag-isa ng minor o pagsakay sa eroplano mula sa bansang sakop ng travel restrictions subalit kung ang menor de edad ay pinauwi sa ilalim ng repatriation program ng national government ay pahihintulutan.
“All unaccompanied minor Filipino citizens coming from countries or jurisdictions where travel restrictions are in place on account of the new variants of Covid-19, shall not be allowed boarding by the airlines until Jan. 31, 2021, except minors returning through the repatriation program of the national government,” paglilinaw ni Roque
Dagdag pa ni Roque, ang mga repatriated minor ay iti-turn over sa Overseas Workers Welfare Administration na may koordinasyon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), at dapat sumunod sa quarantine protocols.
Nagdesisyon ang pamahalaan na isama ang UAE sa travel restrictions makaraang magpositibo sa COVID-19 UK variant ang isang 29-anyos na Filipino na galing sa UAE. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.