Mga laro sa Biyernes:
(Filoil Flying V Centre)
12 noon – Perpetual vs San Beda (Men)
2 p.m. – JRU vs Mapua (Men)
4 p.m. – CSB vs LPU (Men)
INAPULA ng College of Saint Benilde ang mainit na paghahabol ng Arellano University upang maitakas ang 82-77 panalo at mapalawig ang kanilang perfect run sa limang laro sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre.
Abante ang Blazers sa 82-67, sa basket ni Justin Gutang nang kumamada ang Chiefs ng 10 sunod na puntos sa huling 1:49.
Sa kabutihang palad, ang 15-point cushion ay sapat para mapangalagaan ng St. Benilde ang winning streak at samahan ang defending champion San Beda sa ibabaw ng standings.
Nagbuhos si Clement Leutcheu ng 13 points, 7 rebounds at 3 assists, habang nagdagdag si Gutang ng 12 points, 7 boards, 5 assists at 2 steals sa kanyang pagbabalik mula sa knee injury para sa St. Benilde.
Sa unang laro ay ibinigay ng Mapua kay coach Randy Alcantara ang unang back-to-back win nito sa pamamagfitan ng 76-66 pagbasura sa Emilio Aguinaldo College.
Iskor:
Unang laro:
Mapua (76) – Gonzales 13, Hernandez 11, Victoria 10, Bonifacio 8, Serrano 8, Lugo 7, Garcia 5, Gamboa 4, Salenga 4, Buñag 2, Jabel 2, Nieles 2, Aguirre 0, Dela Cruz 0, Nocum 0.
EAC (66) – Luciano 12, Maguliano 10, Gonzales 9, Mendoza 7, Dayrit 6, Tampoc 6, Carlos 5, Taywan 4, Martin 3, Cadua 2, Gurtiza 2, Boffa 0, De Guzman 0, Estacio 0.
QS: 15-10, 35-27, 60-39, 76-66
Ikalawang laro:
CSB (82) – Leutcheu 13, Gutang 12, Haruna 11, Pasturan 10, Nayve 9, Dixon 8, Naboa 7, Carlos 5, Flores 3, Belgica 2, Lepalam 2, Sanco 0, Young 0, Velasco 0.
Arellano (77) – Arana 25, Sablan 11, Salado 10, Espiritu 8, Talampas 6, Oliva 6, Alcoriza 5, Santos 5, Concepcion 1, Bayla 1, De Guzman 0.
QS: 18-13, 35-34, 60-52, 82-77
Comments are closed.