INAASAHANG bababa ang koleksiyon ng Bureau of Customs (BOC), ang second largest tax collection agency ng bansa, sa Pebrero sa gitna ng pagbagal ng importations mula sa China dahil sa coronavirus disease (COVID-19) outbreak.
“We are already seeing the lower collection from the Bureau of Customs because of the slowdown of our importations from China,” wika ni Finance Undersecretary Antonette Tionko sa Manila Times Business Forum sa Makati City kahapon.
Ayon kay Tionko, ang importations mula sa China ay bumaba ng 44% noong Pebrero, na nagpabagsak sa overall imports ng 22% para sa naturang buwan.
“We are seeing that already. We are trying to find ways to recover,” wika ni Tionko.
Sa mainland China ay pumalo na sa 80,151 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19.