ISA nang Filipino citizen si Barangay Ginebra resident import Justin Brownlee.
Ayon kay Senador Francis Tolentino, isa sa principal authors ng panukala para igawad sa American-born player ang Filipino citizenzhip, ito ay makaraang lagdaan ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act (RA) 11937.
“Malaki pong tulong si Justin Brownlee kaya magandang balita po ito,” wika ni Tolentino sa isang Facebook video kung saan ipinakita niya ang kalalagda pa lamang na RA.
Inaasahang palalakasin ni Brownlee ang Gilas sa paglalaro ng national squad sa February window ng 2023 FIBA Basketball World Cup Asian qualifiers.
Sinabi rin ni Tolentino na si Brownlee ay isa na ngayong reservist para sa Philippine Army.
Magmula nang dumating sa bansa noong 2016, ang 34-year-old forward ay naging reinforcement na ng Ginebra sa PBA.
Tinulungan niya ang crowd-darling ballclub na magwagi ng limang championships at dalawang beses na naging Best Import of the Conference.
Ang Pilipinas ay magiging host sa Lebanon at Jordan sa qualifier window.