BUCKS BALIK SA PORMA

ANTETOKOUNMPO

HUMATAW si Giannis Antetokounmpo ng triple-double at nanalasa si Brook Lopez sa fourth quarter upang tulungan ang Milwaukee

Bucks na makabalik sa winning ways sa 118-111 pagbasura sa Toronto Raptors noong Linggo.

Balik sa porma ang Eastern Confer- ence leaders, nalasap ang lopsided loss sa Indiana noong Huwebes, matapos ang come-from-behind win laban sa Raptors sa Milwaukee’s Fiserv Forum.

Tumapos si Antetokounmpo na may 22 points, 13 rebounds at 10 assists at umangat ang Milwaukee sa 51-20 sa ibabaw ng East-ern Conference, 2.5 games ang angat sa inform Philadelphia 76ers.

anguna si Fred VanVleet para sa Toronto na may 23 points.

LAKERS 111, MAGIC 105

Umiskor si Austin Reaves ng career-high 35 points nang

rumesbak ang Los Angeles Lakers mula sa pagkatalo sa Dal- las noong Biyernes sa panalo kontra Or- lando.

Ang Lakers, na- nanatili sa kontensi- yon para sa postsea- son berth sa Western

Conference, ay nagulantang matapos ang buzzer-beating loss sa Mavs noong Biyernes.

CLIPPERS 117, BLAZERS 102

Nalagay sa balag ng alanganin ang play-off bid ng Portland

matapos ang 117-102 defeat sa Los Angeles Clippers.

Ang Clippers ay hindi nalamangan sa buong laro kung saan tumapos sina Paul George na may 29 points at Kawhi Leonard na may 24 points.

Ang pagkatalo ay naglagay sa Portland sa 13th place sa West- ern Conference na may 31-40 record, tat- long puwesto sa labas ng play-in places.