BUCKS KINATAY ANG HAWKS

NAGBUHOS si Giannis Antetokounmpo ng 36 points at 16 rebounds at pinutol ng bisitang Milwaukee Bucks ang kanilang two-game losing streak sa pagdispatsa sa Atlanta Hawks, 122-113, noong Sabado.

Si Antetokounmpo ay 12-for-22 mula sa field at 12-for-16 mula sa free-throw line at nagdagdag ng 8  assists. Ito ang league-leading 34th time na nagtala si Antetokounmpo ng 30-plus points at 10-plus rebounds.

Nanatili ang Bucks sa No. 2 sa Eastern Conference at pinalobo ang kanilang kalamangan laban sa Cleveland sa dalawang laro. Ang pagkatalo ay tumapos sa four-game winning streak ng Atlanta at naglagay sa Hawks sa 10th place sa  Eastern Conference, isang laro sa likod ng Chicago.

Ang panalo ay nagbigay sa  Milwaukee ng  2-1 bentahe sa season series. Kumana si Antetokounmpo ng 94 points at 38 rebounds sa tatlong laro kontra Atlanta.

Nakakuha rin ang Milwaukee (47-27) ng 21 points mula kay Khris Middleton at 18 points kay Patrick Beverly, na naging starter dahil hindi nakapaglaro si Damian Lillard dahil sa personal na kadahilanan.

Ang Atlanta (34-40) ay pinangunahan nina Bogdan Bogdanovic na may 38 points at 10 rebounds, at Dejounte Murray na may 20 points, 12 assists at 8  rebounds.

Magic 118,
Grizzlies 88

Nakalikom si Wendell Carter Jr. ng 15 points at 13 rebounds at pinataob ng Orlando Magic ang bisitang Memphis Grizzlies nitong Sabado.

Lumamang ang Orlando (43-31) ng hanggang 43 at pinutol ang three-game losing streak. Pitong  Magic players ang umiskor ng double figures, kabilang sina Cole Anthony (15), Jalen Suggs (15), Franz Wagner (13), at Paolo Banchero, na tumapos na may 13 points, 9 rebounds, 7 assists, at napantayan ang kanyang career high na 4 blocked shots. Nag-ambag si Joe Ingles ng 11 points.

Ang Orlando ay hindi nalamangan matapos ang unang dalawang minuto at bumuslo ng 48.7 percent mula sa floor, kabilang ang 22 of 44 (50 percent) mula sa 3-point range.

Naglaro ang Memphis (24-50) na may makeshift lineup makaraang ma-rule out sina Desmond Bane (back soreness) at  Santi Aldama (illness) bago ang laro.

Abante ang Orlando ng 20 sa pagtatapos ng opening quarter at hindi hinayaan ang undermanned Grizzlies na makalapit.

Nanguna si Jordan Goodwin para sa Grizzlies na may 16 points at 11 rebounds mula sa bench. Umiskor si Brandon Clarke ng 13 points, nagdagdag sina GG Jackson at Scottie Pippen Jr. ng tig-11, gumawa si Jake LaRavia ng 10, at gumawa si Luke Kennard ng 9 points makaraang lumiban sa huling limang laro dahil sa personal na kadahilanan.

Celtics 104,
Pelicans 92

Nagtala si Kristaps Porzingis ng double-double at pinatahimik ng depensa ng Boston ang opensa ng New Orleans Pelicans sa panalo ng bisitang Celtics noong Linggo.

Tumapos si Porzingis na may 19 points at 10 rebounds, apat na teammates ang umiskor din ng double figures at nakontrol ng Celtics (58-16) ang  third quarter upang putulin ang two-game losing streak — ang pinakamahaba nito sa season. Kumabig si Jayson Tatum ng 23 points, nagtala si Jaylen Brown ng 17, nakakolekta si Derrick White ng 15 at nagdagdag si Jrue Holiday ng 13.

Umiskor si Zion Williamson ng 25 points, nagdagdag si CJ McCollum ng 24, gumawa si Herbert Jones ng 18 at nagdagdag si Trey Murphy III ng 11 upang pangunahan ang Pelicans (45-29). Nagtala ang New Orleans ng 37 points sa first quarter subalit tumapos na may mas kaunting puntos sa second at third quarters (31).