GAGAMITIN ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Health Office-Public Health at Provincial Disas-ter Risk Reduction and Management Office ang staysafe.ph, isang interactive community driven emergency response websitena inilunsad ng kumpanyang Multisys, upang labanan ang coronavirus disease (COVID-19).
Sa Bulacan City/Municipal DRRMOs virtual meeting tungkol sa COVID-19 sa ganap na alas-9:00 ng umaga kahapon sa pamamagitan ng zoom na aplikasyon, sumang-ayon ang mga Disaster Risk Reduction and Management Officers ng lalawigan, lungsod at bayan na gamitin ang website upang makatulong sa pagtunton ng mga indibidwal na may sintomas ng COVID-19.
Sinabi ni Gobernador Daniel R. Fernando na susubukan ng Pamahalaang Panlalawigan ang lahat ng maaaring paraan upang mapigil ang pagkalat ng nakamamatay na virus.
Mayroong mga katangian ang website katulad ng pagpapatala, health conditioning reporting system, COVID-19 contact tracing, social dis-tancing notification, company and LGU response system, COVID-19 case data entry and monitoring system, hospital and frontliners monitoring system, SMS blaster AITF and NTF COVID-19, track and trace modules, centralized admin access and analytics, at COVID worldwide updates na lubos na makatutulong sa mga lokal na pamahalaan.
Upang makapagrehistro, maaaring pumunta ang mga indibidwal sa staysafe.ph website, magrehistro sa pamamagitan ng kanilang mobile number, i-update ang kanilang profile, piliin ang kalagayan ng kanilang kalusugan at i-click ang save. Maaari rin nilang i-report ang kalagayan ng kalusugan ng miyembro ng kanilang pamilya na nasa kanilang tahanan.
Inaprubahan ang website ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases at ng National Task Force (NTF) on COVID-19 noong Abril 8, 2020 sa pamamagitan ng memorandum of agreement na pinirmahan ng NTF COVID-19 kasama ang Department of Health, ang Department of the Interior and Local Government, at ang Department of National Defense. MARIVIC RAGUDOS
Comments are closed.