BULACANSOL BAGONG PANGALAN SA INDUSTRIYA NG RENEWABLE ENERGY

JOE_S_TAKE

AYON sa National Oceanic and Atmosphere Administration, ang nakaraang apat na taon ay maituturing na pinakamainit sa loob ng 139 na taon. Ang patuloy na pag-init ng panahon ay resulta ng inilalabas na greenhouse gas ng mga tao sa kapaligiran. Ang mga greenhouse gas na ito ay kadalasang carbon dioxide mula sa pagsusunog ng petrolyo.
Ang climate change ay maaaring makasira sa ekonomiya at populasyon. Maaari rin nitong palalain ang kakulangan sa mga likas na yaman. Bunsod nito, para sa kapakanan ng sangkatauhan at ng ekonomiya, mahalaga na ang bawat kompanya, maliit man o malaki, ay makiisa at kumilos ukol sa usaping ito. Ang pampubliko at ang pribadong sektor ay dapat maghanap ng paraan upang mas mapaghusay ang teknolohiyang ginagamit ng mga ito.
Isa sa mga industriyang nagsusumikap aksiyunan ang naturang usapin ay ang industriya ng koryente. Ngayong nag-sisimula nang bumangon ang ating ekonomiya, isa sa mga pinagtutuunan ng pansin ay ang seguridad ng pagkakaroon ng sapat na supply ng koryente lalo na ngayong panahon ng pandemya at ng bagong normal.
Ang kahalagahan ng pagkakaroon ng seguridad na magkaroon ng sapat na supply ng koryente sa bansa ay bahagi ng plano ukol sa sustainble energy transition ng MERALCO PowerGen Corporation (MGen), ang sangay ng Meralco na may kinalaman sa power generation.
Bahagi ng nasabing plano ang pagsusulong ng mga utility-scale renewable energy project na may kakayahang makapa-ghatid ng maaasahang supply ng koryente sa mga customer nang hindi nangangailangan ng subsidiya.
Nitong unang bahagi ng buwan, sa pamamagitan ng MGen Renewable Energy, Inc. (MGreen), ang sangay ng MGen na nakapokus sa renewable energy, ay sinimulan ang operasyon ng Php4.25 billion na solar plant sa San Miguel, Bulacan. Ang nasabing solar plant ay may 72 ektarya ang laki at tinawag na BulacanSol.
Ang opisyal na paglulunsad ng BulacanSol ay resulta ng kagustuhan at ng pagsusumikap ng MGen na makapaghatid ng malinis at renewable na koryente sa mga customer nito.
Ayon kay MERALCO President & CEO Atty. Ray C. Espinosa, “In June 2019, we first announced that we will be joining the shift to renewable energy by adopting sustainable practices for the One MERALCO Group. Today, we realize the first renewable power plant – the first of several that One Meralco has lined up for investment and sourcing.”
Dagdag din ni MGen President & CEO Rogelio L. Singson na ang proyektong ito ay naging posible dahil sa dedikasyon ng mga taong kasama sa nasabing proyekto, lalo na yaong mga nagtrabaho sa pagtatayo ng planta sa gitna ng pandemyang ating kinahaharap.
Sa muling pag-alala sa pinagdaanang mga pagsubok sa nasabing proyekto, kasama ang mga pabago-bagong panahon at ang pagpapatupad ng mga lockdown, sinabi ni Singson, “Our team worked long hours to commission this solar project. This achievement is really all about teamwork, strive for excellence and hard work.”
Binigyang pagkilala rin ni Singson ang lubos na suporta na kanilang natanggap mula sa lokal na pamahalaan ng San Miguel na pinangunahan ni Mayor Roderick Tiongson, at mga ahensiya ng pamahalaan, kabilang ang Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC), at maging ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na siyang nagbigay ng suporta sa pagkuha ng right-of-way para sa 74 na poste at drainage system sa planta.
Ang BulacanSol ay isang pagpapatotoo sa dedikasyon ng MGen na makapagtayo at makapaglunsad ng mga proyektong may pagpapahalaga sa kapaligiran.
Ayon kay Singson, ang opisyal na paglulunsad ng BulacanSol bilang unang proyekto ng MGreen ay maituturing na napakahalagang tagumpay na siyang magtutulak sa kanila upang maging mas agresibo sa paglulunsad ng iba pang proyekto na siyang makatutulong sa kanila sa pagkakaroon ng renewable energy portfolio na may kapasidad na umaabot sa 1,500MW sa susunod na lima hanggang pitong taon.
“We will develop more renewable projects and at the same time be conscious of our need to generate lowest cost electricity to reach the farthest communities in the country,” pahayag ni Singson.
Mahalaga ang papel na gagampanan ng BulacanSol sa long-term sustainability agenda ng One MERALCO Group. Ito ay alinsunod din sa plano ng Meralco na makakuha ng 1,500MW ng supply nito mula sa renewable energy.
“This is a modest step into renewables but a significant one for Meralco. We look forward to many more investments in renewables, particularly solar, as we attempt to achieve that balance in fuel sourcing,” pahayag ni Meralco Chairman Manuel V. Pangilinan.
Ang bagong planta ng solar ay hindi lamang magandang pamumuhunan sa ngalan ng sustainability at ng pagbabago, kundi para rin sa kinabukasan ng ating bansa.
Batid ng MGen na mahaba pa ang landas na kanilang tatahakin sa industriya ng renewable energy, ngunit nangangako ito na magpapatuloy sa pagsusumikap at sa dedikasyon nito para sa pagtatagumay ng mga susunod pa nitong proyekto.
Ang BulacanSol ay simula pa lamang ng paghahatid ng liwanag at pag-asa sa pagkakaroon ng mas malinis at maaasahang supply ng koryente.
Ito ay isang kapana-panabik na panahon lalo na’t sinabi ng mga pinuno ng Meralco na umpisa pa lamang ito. Tiyak na marami pang karapat-dapat abangan na mga proyekto ang ilulunsad ng MGreen. Kaisa ng Meralco, ang BulacanSol ay handa na ring gampanan ang papel nito sa pagpapatotoo sa tagline ng Meralco na “Ang Liwanag ng Bukas”.

35 thoughts on “BULACANSOL BAGONG PANGALAN SA INDUSTRIYA NG RENEWABLE ENERGY”

  1. 194612 637374Naturally I like your web-site, nonetheless you want to check the spelling on several of your posts. Many of them are rife with spelling troubles and I find it really silly to inform you. On the other hand I will definitely come once again once more! 11589

Comments are closed.