BULKANG TAAL NAGBUGA NG 4 TONELADA NG SULFUR DIOXIDE

BATANGAS – UMAABOT sa 4,666 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng Bulkang Taal.

Batay sa pinakahuling bulletin ng Philippine Institute of Volca­nology and Seismology (PHIVOLCS), isang volcanic earthquake din ang naitala sa Taal Volcano mula alas-12 ng umaga noong Lunes hanggang alas-12 ng umaga nitong Martes.

Nakabuo rin ito ng katamtamang 900 metrong taas ng usok na lumipad sa silangan-hilagang-silangan at hilagang-silangan.

Sinabi ng PHI­VOLCS na ang Taal Caldera ay nanatiling may pangmatagalang deflation, habang ang pangkalahatang hilaga at timog-silangan na bahagi ng Taal Volcano Island ay may panandaliang inflation.

Ang Bulkang Taal ay kasalukuyang nasa Alert Level 1 na may “low-level unrest.”

Ipinagbabawal ang pag­pasok sa Taal Volcano Island na itinuturing na Permanent Danger Zone (PDZ), at pagpapalipad ng anumang sasakyang panghimpapawid malapit sa bulkan.

Nagbabala rin ang PHIVOLCS na maaaring mangyari ang mga panganib tulad ng steam-driven o phreatic o gas-driven explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall, at lethal accumulations o expulsions ng volcanic gas.

EVELYN GARCIA