CANADA, HANDA NA TANGGAPIN ANG BASURA MULA PH

CANADA WASTE

NAKAHANDA na ang Canada para sa basurang ibabalik ng Filipinas sa darating na Hunyo.

Ayon kay Sav Dhaliwal, chairman ng Metro Vancouver, may rekomendasyon na ang Environment and Climate Change Canada na dalhin ang 1,500 tons ng basura sa Burnaby para ma-convert bilang electric power.

Ito ang nakitang paraan ng Canadian government para maging kapaki-pakinabang pa rin ang basura na ilang taon nang naipadala sa Filipinas.

“We have the technology and capacity to safely and efficiently handle this type of material,” saad ni Dhaliwal.

Nabatid na naipasok ito sa bansa makaraang ideklarang recyclable materials, kung saan ang consignee ay negosyante mula sa Valenzuela City.

Patuloy naman ang pangangalampag ng mga Global Alliance for Incinerator Alternatives (GAIA) na bilisan na ang pagtanggal ng basura sa Filipi-nas at ibalik ang mga basura sa Canada, Hong Kong, South Korea at Australia.

“Dapat seryosohin ng mga bansang ito ang patakaran sa Filipinas na nagbabawal sa pagpasok ng mapanganib na uri ng basura,” wika ni Beau Baconguis ng Global Alliance for Incinerator Alternatives. B ABAYGAR, JR.

Comments are closed.