MASAYANG ipinagdiwang ng magkasintahan na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana ang Araw ng mga Puso sa ibang bansa kung saan kasama ang pamilya ni Carla. Nasa Japan ang dalawa.
Isa sa wish kasi ni Carla ay ang makapunta sa Japan at mas lalong naging masaya ang dalaga nang magpasiyang mag-join ang kanyang boypren sa biyahe. Sa kanyang socmed ay kapuna-puna ang labis na pagmamahal ni Carla kay Tom. Nilagay niya ang caption na “my strength” sa larawan kung saan ay magkasama silang dalawa ni Tom.
Sa mga netizen iba ang dating ng naturang caption ng Kapuso actress. At dahil hindi naman sila magkasama ng ama sa isang tahanan, si Rey PJ Abellana, marami tuloy ang nagsasabing hindi lang boypren ang pagtingin ni Carla kay Tom, kundi isa ring ama. O ‘di nga ba, karamihan sa girls ang turing nila sa kanilang ama ay ang kanilang strength o hero.
Maging si Tom man ay masasabing mahal na mahal si Carla, na kahit pagod na pagod ito ay laging may laan na oras para sa girlfriend and take note, si Carla na yata ang pinakamatagal na naging girlfriend ni Tom. Maging sa pagpapakasal man ay open na open si Tom sa pagsasabing si Carla na ang babaeng nais niyang makasama sa habang buhay.
Sa pagbabalik-bansa ay balik-taping na ulit si Tom para sa teleserye nila ni Janine Gutierrez na “Dragon Lady” na malapit nang mapanood sa Kapuso Network. Balik panghapon na timeslot ang byuti ni Janine after ng “Victor Magtanggol” nila ni Alden Richards.
JASMINE CURTIS SMITH NANAY NA NI BIANCA UMALI
GUEST role lang naman si Jasmine Curtis-Smith sa teleseryeng ginagawa ngayon nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix, ang “Sahaya” pero ang nakatutuwa ay isang ina ang papel na ginagampanan ni Jasmine, mother ni Bianca na halos hindi nalalayo ang kanilang edad. Para kay Jasmine, okey lang naman sa kanya ang ganitong role, parte ng pagiging artista niya na gampanan ang role na binibigay sa kanya.
First time nga para kay Jasmine maging ina ng isang teenager na rin. Pero ang mas nagustuhan ni Jasmine kung bakit siya napapayag na mag-guest sa “Sahaya” ay ang kanyang role na Badjao, isang lahi ng mga katutubong Pinoy.
Nabigyan ng chance si Jasmine na mag-aral ng sayaw ng mga Badjao, specially ‘yung traditional wedding dance ng mga Bad-jao, at bukod pa rito ang pag-aaral niya ng pananalita ng isang Badjao. Kahit nga raw walang taping ay tuloy-tuloy pa rin ang praktis ni Jasmine ng pagsasalita ng lengguwahe ng mga Badjao and she’s loving it.
Kung matatandaan, sa Australia lumaki si Jasmine kung kaya bilang isang Pinay din naman ay masaya ang actress na may natutunan sa kultura ng bansa.