CATRIONA GRAY LIGWAK SA OPENING NG SEA GAMES 

catriona gray

INIINTRIGA sa social media ang dalawang Miss Universe ng Fi­lipinas na sina Piareflection Wurtzbach at Catriona Gray dahil sa opening ceremony ng 30th SEA Games ngayong araw ng Sabado, Nobyembre 30.

Wala raw kasi sa list ng beauty queens ang name ni Catriona na magpa-participate sa opening ceremony. Eleven local beauty titleholders headed by Ms. Universe 2015 Pia Wurtzbach and former Miss World Me­gan Young ay kasama sa dadalo.

Tinanong namin si Eric sa non-participation ni Catriona sa opening ceremony ng 2019 SEA Games.

“Ah, si Cat kasi masyadong dikit ‘yung December 8 (grand coronation of 2019 Miss Universe in Atlanta, Georgia). She really wanted to, but it’s just a week apart and  she has to be already in Georgia,” paglilinaw ni Eric.

But they asked Catriona para mag-particiapte sa opening ceremony.

“Of course! It was first offered to her. Schedule talaga ang problema. We are very happy that Pia was able to schedule also kasi, Pia is coming from abroad. But, dara­ting siya for this.”

Ang magaganap na SEA Games 2019 Opening Ceremonies is a collaboration of local and international talent sa Philippine Arena. The grand event is set to be an exposition of Filipino culture, and contemporary music and dance, and a testament to the collaboration of great talents which embodies the games’ credo of “We Win As One.”

The 30th SEA Games Opening Ceremonies is touted to be the biggest sports-related television special in Asia this year, as it will be broadcast live and nonstop in the Philippines and several countries in the region, including China and Japan.

KARLA ESTRADA INILANTAD NA SA PUBLIKO ANG KANYANG PAPA            

INIHARAP na ni Karla Estrada ang non-showbiz boyfriend niya na si Jam Ignacio sa publiko bilang bahagi ng birthday celebration niya sa morning show nila nina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros sa ABS-CBN ang “Magandang Buhay.”

Tinanong si Karla ni Jolina kung ano ang napi-feel niya ngayong lumabas na sa programa nila si Jam.

“Masaya naman at saka bago lahat  sa akin ‘to kasi wala pa naman akong naiharap, ‘di ba?First time ‘to. Kahit ‘yung mga tatay ng mga anak ko, parang hiyang-hiya ako. Kasi, kung kailan naman may apat na akong anak. But you know, sabi nga ni Vice (Ganda), deserved natin ‘to, sumaya, lumigaya,” pahayag ni Karla.

Inamin pa ni Jam na mabilis daw nahulog ang loob niya kay Karla dahil hindi naman daw mahirap mahalin ang ina ni Daniel Padilla.

“Actually, ang bilis nu’ng sa akin. Kasi, ang tagal ko nang heart-broken.  Kaya lang nagdadalawang-isip ako na baka natutuwa lang ako na merong ganoong tao na nagpapakita ng concern or nagpapakitang-gilas. Charot! Hindi naman,” tawa ni Karla.

Nagbigay din ng birthday wish si Jam kay Karla:

“Uh, maging masaya siya. Gawin lang niya kung ano ‘yung makakapagpasaya sa kanya. Kasi, ‘yun naman ang dapat, e. Hindi ‘yung gagawin niya lang dahil gusto ng ibang tao,” mensahe ni Jam.

Comments are closed.