CAUAYAN CITY MAYOR NAG-SELF QUARANTINE

Bernard Faustino La Madrid Dy

ISABELA  – DAHIL sa pangamba laban sa coronavirus disease (COVID-19)  nag-self quarantine si Cauayan City Mayor Bernard Faustino La Madrid Dy matapos magtungo noong Marso 1, 2020 sa opisina nina Senador Sherwin Gatchalian at Senador Juan Zubiri.

Si Dy, ay kasalukuyang nasa Metro Manila kasama ang kanyang pamilya at kasaluku­yang nasa self-quarantine.

Nagtungo ang akalde sa opisina ni Zubiri upang dalhin ang isang request letter para sa lalawigan ng Isabela.

Makaraan nito ay nagtungo rin siya sa opisina ni Gatcha­lian upang ipabatid ang isasagawa sanang  Cagayan Valley Regional Athletics Association (CAVRAA) Meet sa Abril 2020 kung saan ang senador ang isa sana sa pangunahing panauhin sa nasabing pagdiriwang sa Cauayan City.

Ayon pa kay Dy, bukod umano sa dalawang senador na kasalukuyang naka self-quarantine at lahat pa ng kanilang mga staff ay sumailalim narin sa nasabing self-qurantine.

Ang dalawang senador ay nasa self-quarantine matapos makahalubilo ang isang nagpositibo sa COVID 19. IRENE GONZALES

Comments are closed.