CELTICS NAKAUNGOS SA KNICKS SA 2OT

NAGBUHOS si Evan Fournier ng career-high 32 points at isinalpak ang go-ahead 3-pointer sa huling 56.1 segundo ng ikalawang overtime upang pangunahan ang host New York Knicks sa 138-134 panalo laban sa Boston Celtics sa season opener para sa dalawang koponan.

Umiskor si Fournier, na naglaro para sa Celtics noong nakaraang season, ng 17 points sa fourth quarter at sa dalawang overtimes kung saan siya ang unang player sa kasaysayan ng Knicks na umiskor ng 30 points sa kanyang debut para sa koponan.

Kumamada si Jaylen Brown, na in-activate mula sa COVID-19 list bago ang laro, ng 46 points para sa Celtics — ang pinakamalaki ng isang player sa season opener sa franchise history at kulang lamang ng isang puntos sa record ni Larry Bird para sa pinakamalaking puntos na naitala ng isang Boston player kontra New York.

Tumirada si Julius Randle ng 35 points at nagdagdag ng 9 assists at 8 rebounds para sa Knicks, na nakapasok sa playoffs noong nakaraang taon sa unang pagkakataon magmula noong 2012-13.

MEMPHIS 132,

CAVALIERS 121

Humataw si Ja Morant ng game-high 37 points nang biguin ng host Memphis Grizzlies ang NBA debut ni Evan Mobley sa pamamagitan ng 132-121 panalo kontra Cleveland Cavaliers sa opener ng dalawang koponan noong Miyerkoles ng gabi.

Tumipa sina Desmond Bane at  De’Anthony Melton ng 22 at  20 points, ayon sa pagkakasunod, habang kumalawit si Steven Adams ng game-high 14 rebounds sa kanyang debut sa Grizzlies

Kumana si Mobley, ang No. 3 pick noong July draft, ng 17 points, team-high-tying 9 rebounds at 6 assists para sa Cavaliers, na natalo sa kabila ng pagbuslo ng 50.5 percent mula sa field.

NUGGETS 110,

SUNS 98

Sumandal ang bisitang Denver Nuggets sa balanced scoring upang pataubin ang defending Western Conference champions Phoenix Suns, 110-98.

Pinangunahan ni reigning Most Valuable Player Nikola Jokic ang anim na players sa double figures na may 27 points para sa Nuggets, na winalis ng Suns sa Western Conference semifinals noong nakaraang taon.

Kumabig si Chris Paul ng15 points at game-high 10 assists para sa Suns, na na-outshoot,  53.0 percent-41.4 percent.

Sa iba pang laro, tumipa si Joel Embiid ng 22 points at nagtala si Tobias Harris ng double-double nang gapiin ng bisitang  Philadelphia 76ers ang New Orleans Pelicans, 117-97.

Pinataob ng Minnesota Timberwolves ang Houston Rockets,124-106; namayani ang Utah Jazz kontra Oklahoma City Thunder, 107-86;

nilampaso ng San Antonio Spurs ang Orlando Magic, 123-97; at nasingitan ng Sacramento Kings ang Portland Trail Blazers, 124-121.

9 thoughts on “CELTICS NAKAUNGOS SA KNICKS SA 2OT”

  1. 944625 105952Its hard to search out knowledgeable individuals on this subject, but you sound like you realize what youre speaking about! Thanks 548544

  2. 104751 278449A quite informationrmative post and lots of genuinely honest and forthright comments created! This undoubtedly got me thinking a whole lot about this concern so cheers a lot for dropping! 859032

Comments are closed.