KASAMA na ang China at ang apat na iba pang bansa sa listahan ng Filipinas sa mga bansa na sakop ng temporary travel restriction para maiwasan ang pagkalat ng bagong variant ng COVID-19, ayon sa Malacañang.
Sa isang regular virtual press briefing, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ipinalabas ng Office of the Executive Secretary ang mga karagdagang bansa na kinabibilangan din ng Pakistan, Jamaica, Luxembourg, at Oman.
Ayon kay Roque, ang pagbabawal sa pagpasok ng lahat ng foreigners na magmumula sa naturang mga bansa ay epektibo ngayong araw hanggang Enero 15, 2021 alinsunod sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF-EID).
Nauna nang inanunsiyo ng Malacanang ang temporary ban sa pagpasok sa bansa ng mga foreign traveler mula sa United Kingdom, the United States, Portugal, India, Finland, Norway, Jordan, Brazil, Denmark, Ireland, Japan, Australia, Israel, The Netherlands, Hong Kong, Switzerland, France, Germa-ny, Iceland, Italy, Lebanon, Singapore, Sweden, South Korea, South Africa, Canada, Spain, at Austria.
Ayon kay Roque, maaari pa ring makauwi ang mga Filipino mula sa naturang mga bansa subalit sasaila-lim sila sa mahigpit na quarantine measures ng pamahalaan.
“They will be required to undergo an ‘absolute’ facility-based 14-day quarantine, even if they obtain a negative reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) test result.”
Bukod sa coronavirus variant na natuklasan sa in United Kingdom (VOC 202012/01 variant), limang iba pang variants ang binabantayan sa buong mundo.
Ang mga ito ay ang variants na nagmula sa South Africa: 501Y.V2, na natuklasan sa 10 bansa, Malaysia: 1701V, Nigeria: P681H, Denmark: Cluster 5, at China: D614G.
Ang UK variant ay unang natukoy noong Dec. 2020 at natuklasan sa 41 mga bansa. EVELYN QUIROZ, PAUL ROLDAN
Comments are closed.