CHOCO MUCHO VS REBISCO SA AVC CLASSIFICATION ROUND

SABIK na ang Choco Mucho na makaharap ang isa pang Philippine team — Rebisco — sa isang all-important classification round ng 2021 Asian Women’s Club Volleyball Championship sa Thailand.

Magsasagupa ang dalawang koponan ngayong araw, sa larong magdedetermina sa kani-kanilang pagtatapos sa torneo.

Sinabi ni Mylene Paat, nagpamalas ng solid performance sa straight-sets loss ng Choco Mucho sa Supreme Chonburi sa quarterfinals noong Lunes, na inaabangan na nila ang laro kontra koponan na kilalang-kilala nila.

Ayon kay Paat, ginawa nila ang lahat para maagaw ang panalo sa powerhouse Supreme Chonburi upang maiwasan ang face-off sa kanilang kapwa Philippine team.

“We really tried to push ourselves to win this match and avoid facing Rebisco, but then we really fell short,” pahayag ni Paat, na gumawa ng 14 points para sa Choco Mucho sa laro.

“Still, I am really excited for the next match especially because it’s against a team that we’re familiar with and has the similar system with us.”

Bagama’t nakapanalo ang Rebisco ng isang set sa four-set defeat laban sa Iran’s Saipa Tehran sa elimination round, ang dalawang Philippine teams ay wala pang naipapanalo sa torneo.

Ang magwawagi sa pagitan ng Choco Mucho at Rebisco ay makakaharap ng Kazakhstan’s Zhetysu para sa fifth place habang ang matatalo ay magkakasya sa seventh place sa seven-team field.

385 thoughts on “CHOCO MUCHO VS REBISCO SA AVC CLASSIFICATION ROUND”

Comments are closed.