CLARK-SIARGAO ROUTE BINUKSAN MULI NG PAL

Binuksan muli ng Philippine Airlines (PAL) ang kanilang direct flight Clark-Siargao route sa pakiki­pagtulungan ng Luzon International Premier Airport Development Corporation, (LIPAD) Department of Tourism at ibang pang stakehol­ders sa Central Luzon.

Ayon sa pamunuan ng PAL, ito ay naka-shedule tatlong beses sa isang linggo sa mga araw ng Martes, Huwebes at Sabado, tuwing alas 11:00 ng umaga at dara­ting sa Siargao bandang ala 1:00 ng hapon.

Gamit ng Philippine Airlines ang kanilang 86 seaters DE Havilland Dash 8-400 next generations aircraft.

Ayon  kay Noel Manankil, President at CEO ng LIPAD Corporation, “it’s a perfect time as we approach the holiday season,when many of us are eager to reunite with loved ones ang explore new destinations.”

At bukod dito mas mapapadali ang travel time ng mga taga Central Luzon papunta sa mga tourist destination sa Kabisayaan kaysa maglaan pa ng ilang oras papunta sa Maynila bago makara­ting sa final destination.

Ang Siargao ay kilala na isa sa surfing mecca sa bansa, at naging popular ito dahil sa tinatawag na world-class waves.

FROI MORALLOS