CLIPPERS HUMIRIT SA GAME 3

clippers vs jazz

NAGPASABOG si Kawhi Leonard ng 34 points at kumamada si Paul George ng 31 upang tulungan ang host Los Angeles Clippers na maitarak ang 132-106 panalo laban sa Utah Jazz at tapyasin ang kanilang deficit sa 2-1 sa Western Conference semifinals noong Sabado ng gabi.

Nagdagdag sina Reggie Jackson at Nicolas Batum ng tig-17 points para sa  fourth-seeded Los Angeles, na tinapos ang laro sa pamamagitan ng 26-11 run. Nag-ambag si Leonard ng 12 rebounds.

Tumipa si Donovan Mitchell ng 30 points sa loob ng 32 minuto para sa top-seeded Utah subalit nawala sa huling pitong minuto makaraang ma-tweak ang kanyang right ankle.

Lalaruin ang Game 4 sa Lunes ng gabi sa Los Angeles.

Hindi nakapaglaro si Mike Conley (hamstring) ng Utah sa ikatlong sunod na pagkakataon.

Kumabig si Joe Ingles ng 19 points para sa Jazz. Nagdagdag si Jordan Clarkson ng 14 points, Nag-ambag si Rudy Gobert ng 12 points at 10 rebounds, at gumawa rin si Royce O’Neale ng  12 points.

Naipasok ng Clippers ang 19 sa 36 attempts mula sa 3-point range at bumuslo ng 56.2 percent overall. Si George ay 6 of 10 mula sa long range, nagtala si Jackson ng 5 of 6 at nagsalpak si Batum ng 4 of 6.

Bumuslo ang Jazz ng  42.9 percent mula sa field at  19 of 44 mula sa 3-point range. Si Mitchell ay  5 of 9 habang si  Ingles ay  5 of 8.

Naghabol ang Utah sa 106-95 kasunod ng 3-pointer ni Clarkson sa huling 7:18.

Sinamahan ni Mitchell si Utah legend Karl Malone bilang tanging players sa franchise history na umiskor ng hindi bababa sa 30 points sa limang sunod na  postseason contests. Nagawa ito ni Malone ng anim na sunod (tatlo noong 1995, tatlo noong 1996).

8 thoughts on “CLIPPERS HUMIRIT SA GAME 3”

Comments are closed.