CONSUMER CONFIDENCE BUBUTI

Presidential Spokesperson Salvador Panelo

TIWALA ang Malakanyang na bubuti rin ang business at consumer confidence sa susunod na taon.

Ito ay sa harap ng resulta ng survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na pagdausdos ng kumpiyansa ng mga consumer at mga ne­gosyante para sa huling bahagi ng 2018.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, patuloy na tinutugunan ng pamahalaan ang mga isyung nakaaapekto sa kumpiyansa ng mga negosyante at mga consumer.

Aniya, patunay nito ay ang unti-unting pag­hupa ng inflation na nasa 6 percent na lamang noong Nobyembre mula sa 6.7 percent noong Setyembre at Oktubre.

Nauna rito ay sinabi ni BSP Department of Economic Statistics head Redentor Paolo Alegre, Jr. na ang pagbaba ng business confidence ay bunga ng pagtaas ng inflation, ­paghina ng piso, mas mataas na interest rates, mas mababang volume of sales and orders at kawalan ng raw materials supply.

Lumabas sa Business Expectations Survey ng BSP na ang overall confidence index (CI) ng business sector ay bumaba sa 27.2 percent noong Oktubre hanggang Disyembre mula sa 30.1 percent sa third quarter.

Comments are closed.