COVID-19 CASES SA MUNDO PUMALO NA SA 96-M

covid

NASA mahigit 96 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 96,019,750 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 24,626,441 cases.

Sumunod  ang India na  10,582,647 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 8,512,238  ang kaso sa Brazil habang 3,591,066 na kaso sa Russia.

Sa  United Kingdom – 3,433,494; France – 2,914,725; Turkey – 2,392,963; Italy – 2,390,101; Spain – 2,336,451; Germany –  2,059,314;  Colombia – 1,923,132;

Argentina – 1,807,428; Mexico – 1,649,502; Poland – 1,438,914; South Africa – 1,346,936; Iran – 1,336,217; Ukraine – 1,167,655; Peru – 1,068,802.

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 2,049,572 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 68,674,306 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

COVID-19 CASES SA PH 504,084 NA

UMAABOT na sa 504,084 confirmed cases ng    coronavirus disease o COVID-19 sa Filipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) araw ng Martes (January 19), may 1,3 57 bagong kaso ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa kabuuang bilang ay  27,857 o 5.5 porsiyento ang aktibong kaso.

Comments are closed.