INAASAHAN ang pagbuhos ng investments na lilikha ng mga trabaho at makatutulong sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa kasunod ng paglagda sa implementing rules and regulations (IRR) ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act.
Ang IRR ay pinirmahan nina Finance Secretary Carlos Dominguez III at Trade and Industry Secretary Ramon Lopez noong June 21, 2021, mahigit dalawang linggo bago ang July 10, 2021deadline na itinakda sa ilalim ng batas.
Ang pagpirma sa IRR ay inaasahan ng Department of Trade and Industry (DTI) na makaaakit ng mas maraming investors para magtayo ng kanilang mga negosyo sa bansa.
Pinasalamatan nina Dominguez at Lopez ang mga stakeholder mula sa pribadong sektor at iba pang ahensiya ng pamahalaan tulad ng investment promotion agencies (IPAs) para sa kanilang mga naiambag sa IRR sa mga isinagawang konsultasyon sa nakalipas na dalawang buwan.
“The approval of the IRR covering Title XIII of the Act following multiple consultations with the various stakeholders and way ahead of schedule highlight the Duterte administration’s commitment to come up with an effective, efficient, and fiscally-responsible incentive system, which, hopefully, will set the standard in the region. We should stop instigating a ‘race to the bottom’ in tax regimes that only compromises the capacity of the state to provide for the public,” sabi ni Dominguez.
“The inputs provided by stakeholders have helped us improve the IRR and provide clarity on the implementation of the new Title XIII on tax incentives in the Tax Code. With the release of the IRR, we expect our IPAs to go full steam ahead on attracting investments that will enhance investments in the country, create quality jobs, and improve the lives of Filipinos,” pahayag naman ni Lopez.
Ang CREATE Act ang pinakamalaking fiscal stimulus package para sa mga negosyante sa kasaysayan ng bansa, kung saan magkakaloob ito sa mga pribadong kompanya ng mahigit sa P1 trillion na halaga ng tax relief sa susunod na 10 taon na may malaking bawas sa tax rate para sa mga korporasyon.
Sa ilalim ng batas ay babawasan ang regular CIT rate ng hanggang 10 percent, mula 30 percent sa 20 percent para sa domestic corporations na may taxable income na P5 million at pababa, at may total assets na hindi hihigit sa P100 million; at 25 percent para sa malalaking korporasyon na may assets na mahigit sa P100 million.
Nakapaloob din sa CREATE law ang incentives package na “performance-based, time-bound, targeted, at transparent.”
665992 240633Oh my goodness! an superb post dude. Thanks a lot Even so Im experiencing issue with ur rss . Do not know why Struggle to register for it. Can there be any person locating identical rss concern? Anyone who knows kindly respond. Thnkx 91288
523899 885942I like this web internet site its a master peace ! Glad I detected this on google . 968708
602846 916064Hello. fantastic job. I did not imagine this. This is a fantastic story. Thanks! You made certain fine points there. I did a search on the subject matter and found the majority of folks will have the same opinion together with your blog. 813446